^

Probinsiya

Nene nadale sa clan war

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 4-anyos na nene ang nasugatan makaraang tamaan ng ligaw na bala sa palitan ng putok ng magkalabang angkan sa Barangay Pedtad, bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Major Dante Gania, Public Affairs Officer ng Army’s 6th Infantry Division, bandang alas-11 ng gabi nang magpalitan ng putok ang magkalabang angkan nina Commander Nayang  Timan, Commander Gafur laban sa grupo ni Commander Mantawil ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Ang palitan ng putok ay tumagal ng 10-minuto na ikinasugat ng biktimang si Aniza Hassan habang nagsilikas naman ang 37 pamilya para di-maipit sa bakbakan.

Ang 37 pamilyang nagsilikas ay pansamantala namang nanuluyan sa Pedtad Elementary School sa nasabing barangay.

Nabatid na matagal ng may matinding alitan ang magkalabang angkan na nagsasalakayan at sa tuwing magpapanagpo ay nagbabakbakan.

Patuloy naman ang mo­nitoring ng tropa ng pamahalaan sa magkalabang angkan upang mapigilan ang posible ang pagdanak ng dugo.

ANIZA HASSAN

BARANGAY PEDTAD

COMMANDER GAFUR

COMMANDER MANTAWIL

COMMANDER NAYANG

INFANTRY DIVISION

MAJOR DANTE GANIA

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NORTH COTABATO

PEDTAD ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with