Trike vs trak: 1 dedo, 3 sugatan

BULACAN, Philippines – Kamatayan ang bumulaga sa isang mister habang tatlo naman ang nasugatan makaraang sumalpok ang traysikel sa  kasalubong na trak sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Graceville, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling araw. Kinilala ang namatay na si Marlon Asa ng Palmera Homes, Brgy. Kaypian habang sugatan naman ang mga pasaherong sina Johara Gonzales, 22, ng Brgy. Graceville; Abrahan Faitan, at isa pang lalaki. Pormal namang kinasuhan ang suspek na trike na si Santiago Dela Cruz, 48, ng Purok 4 sa nasabing barangay. Sa ulat ni PO3 Edward Israel, lumilitaw na sinakop ng traysikel ang kabilang linya ng kalsada pagsapit sa kurbadang kalsada kaya sumalpok sa kasalubong na trak (RDO-5738) na minamaneho ni Pedro Longakit, 34, ng Brgy. Bagong Silang, Quezon City.

Show comments