CAVITE, Philippines – Sugatan ang isang karnaper makaraang makipagpalitan ito ng putok sa mga miyembro ng kapulisan sa Brgy. Calsadang bago 2, Imus City, kahapon ng madaling araw.
Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni Cavite PIO Insp Marites Julian ang suspek ay nakilalang si Alfred Velasco Jr., 28, ng Narra St., Camella 5, Pulang Lupa dos, Las Piñas City.
Nabatid kay Supt. Redrico Maranan, hepe ng Imus City police, bandang alas-4:30 ng madaling araw ng magsagawa ng follow up operation ang kanyang mga tauhan hinggil sa mga karnaper kung saan namataan ang suspek sa NIA Road ng nasabing lugar.
Nang maramdaman ng suspek na may mga pulis ay agad nitong pinaputukan ang mga operatiba na agad namang gumanti at tinamaan ang suspek.
Isinugod sa Kalayaan Hospital ang suspek na kasalukuyang ginagamot at nakumpiska mula rito ang isang improvised calibre .22 automatic hand gun at bala nito.