2 vendor itinumba

CAMARINES NORTE, Philippines – Patay ang dalawang vendor makaraang pagbabarilin ng apat na armadong kalalakihan sa bayan ng San Fernando, Masbate, kamakalawa.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang dalawang biktima na kinilalang sina Warlito Ramos, 29 at Richard Vi­daira, 23, kapwa tubong Isabela Province at pansamantalang naninirahan sa bayan ng San Fernando sanhi ng mga tama na tinamo sa ibat -ibang parte ng katawan mula sa kalibre 45.

Matapos na masiguro na wala nang buhay ang mga biktima, agad na tumakas sakay ng kanilang motorsiklo ang mga suspect.

Inaalam ngayon ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng pamamaslang kung may kinalaman sa negosyo.

Show comments