Tsuper itinumba ng tandem

QUEZON, Philippines - Sabog ang ulo at namatay ang 62-anyos na drayber ng pampasaherong jeepney matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa gilid ng  Maharlika Highway sa Barangay Malabanban Norte, bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Rodolfo Maranan ng Barangay Sta. Catalina Sur habang sugatang naisugod sa United Candelaria Hospital si Siony Elliot matapos tamaan ng ligaw na bala ng cal. 45 pistol. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Arturo Brual hepe ng Candelaria PNP, naghihintay ng mga pasahero ang biktima sa harapan ng panaderya nang lapitan at ratratin ng tandem. Tinamaan naman ng ligaw na bala si Elliot na naghihintay lamang ng pampasaherong bus na patungong bayan ng San Juan, Batangas.

 

Show comments