LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Patay ang 34-anyos na sundalo ng Phil. Army na sinasabing nakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay matapos itong magbaril sa sarili sa detachment ng militar sa Barangay San Juan, bayan ng Mandaon, Masbate kamakalawa ng gabi. Nakilala ang sundalo na si Corporal Rey Lumangaya, nakatalaga sa 22nd Infantry Battalion ng Phil. Army. Base sa police report, nagbaril sa ulo ang biktima habang tulog ang kanyang asawa’t mga anak sa tinutuluyang kuwarto sa nasabing detachment ng Army. Nabatid na bago isagawa ng biktima ang suicide ay nakatatanggap ito ng pagbabanta sa hindi kilalang texter habang patuloy naman ang imbestigasyon.