MANILA, Philippines — Patay ang limang miyembro ng New People's Army matapos makaengkwentro ngayong Huwebes ang mga militar sa Lacu, Abra.
Ayon kay Maj. Calixto Cadano Jr., tagapagsalita ng 5th division ng militar, nagsimula ang putukan matapos mamataan ng 41st batallion ang mga rebelde sa Barangay Guinguinabang.
Nakilala ang isa sa mga nasawing miyembro ng NPA na si Arnold Jaramillo, habang tinutukoy pa ang ibang kasamaha niya.
Nabawi mula sa NPA ang walong matataas na kalibre ng armas.
Dagdag ni Cadano na walang nasaktan o nasawi mula sa kanilang hanay.
Samantala, sinabi naman ni Lt. Col. Virgilio Noora, hepe ng 41st Infantry Batallion, na nangingikil ang mga NPA nang madatnan ng mga militar.
"The barangay folks said that the NPA (rebels) who are extorting from them are not from Abra but from other areas that's why the people are distrustful of them," pahayag ni Noora.
Tinatayang may 4,000 NPA ang nakakalat sa bansa, ayon sa datos ng militar.