QUEZON, Philippines - Inilunsad kahapon ng Quezon Police Provincial Office ang grupong tutugis sa mga kriminal na gumagamit ng motorsiklo sa operasyon na tinawag na motorcycle-riding assassins. Tinaguriang “Oplan Blue Hawk” ni QPPO Director P/Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan ang 20-motorcycle cop na katuwang ng mga pulis sa 39 bayan at 2 lungsod sa Quezon sa pagpapatupad ng anti-criminality campaign sa Maharlika Highway mula sa bayan ng Tiaong hanggang sa Tagkawayan. Ayon kay Ylagan, sa pamamagitan ng “Oplan Blue Hawk” ay magdadalawang-isip ang mga riding-in-tandem gunmen na gumawa ng krimen dahil sa presensya ng mga motorcycle cop sa pangunahing lansangan ng Quezon Province. Aminado naman si Ylagan na tumaas ang antas ng krimen sa nasabing lalawigan na iniuugnay sa riding-in-tandem kaya binuo ang nasabing hakbang sa pamamagitan na rin ng mga pulis na sumailalim na sa motorcycle riding course.