Mister ginilitan sa inuman

MANILA, Philippines - Malagim na kamatayan ang sinapit ng 51-anyos na mister makaraang gilitan ng kanyang mga kainuman sa bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Timoteo Talip ng Barangay Tinaplan sa nasabing bayan.

Ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng kanyang asawang si Fe Talip na nakahandusay sa sala ng kanilang bahay.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame dakong alas-4 ng hapon nang iwan ni Fe ang kaniyang asawa na nakikipag-inuman sa tatlong lalaki na sina Dodo Lantas, Ganggang Lantas, at si Dodong Andang.

Gayon pa man, laking gulat na lamang ni Fe nang pagbalik niya sa bahay ay nakita nito ang duguang asawa kaya kaagad nitong pinagbigay-alam sa pulisya

Samantala, pinaghaha­nap naman ng pulisya ang tatlong kainuman ng biktima na posibleng may kinalaman sa krimen.

 

Show comments