^

Probinsiya

UP Baguio binulabog ng bomb threat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabulabog ang University of the Philippines  (UP) sa Baguio City  matapos kumalat ang bomb threat kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Baguio City PNP, bandang alas-8:55 ng umaga  nang makatanggap  ng text message mula sa hindi nagpakilalang texter si UP Vice Chancellor for Academic Affairs Wilfredo Arangui kaugnay sa nakatanim na bomba sa isang gusali  sa loob ng campus ng  UP –Baguio.

Bunga ng insidente ay nagpanik ang mga estudyante, mga professor, kawani at opisyal ng unibersidad na nag-unahan palabas sa gate ng unibersidad.

Dahil dito ay sinuspinde naman ng pangasiwaan ng UP-Baguio ang klase sa nasabing unibersidad.

Nang matanggap ang report ay agad namang rumes­ponde ang  mga tauhan ng Explosives and Ordnance Unit ng Baguio City PNP bitbit ang mga K-9 dogs na agad ikinordon ang lugar habang hinahanap ang bomba na malapit na umanong sumabog.

Gayon pa man, matapos ang ilang oras na paghahalughog sa nasabing unibersidad ay wala namang natagpuang bomba.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng pulisya upang matukoy ang nasa likod ng pananakot sa nasabing uni­bersidad na nagdulot ng pagkakasuspinde ng klase kung saan lumikha rin ng malaking abala partikular na sa mga estudyante.

ACADEMIC AFFAIRS WILFREDO ARANGUI

BAGUIO CITY

BUNGA

DAHIL

EXPLOSIVES AND ORDNANCE UNIT

GAYON

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

VICE CHANCELLOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with