MANILA, Philippines - Nagpalabas na kahapon ng P.5 milyong pabuya ang may-ari ng DWIZ radio station para sa sinumang makapagtuturo sa bumaril sa batikang brodkaster/radio station manager noong Martes ng madaling araw sa Dagupan City, Pangasinan.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, kumakatawan kay DWIZ owner Antonio Cabangon-Chua na nag-aalok ng nasabing reward para sa tipster na makapagtuturo sa bumaril kay Orly Navarro na station manager at commentator ng DWIZ Dagupan City.
?“On behalf of ex-Ambassador Antonio Cabangon-Chua, owner of DWIZ, a reward of P500, 000 for info leading to arrest of attacker/s of Orly Navarro,” pahayag ni Topacio sa kaniyang twitter account.
Si Navarro ay nasugatan naisugod sa ospital matapos na barilin sa likuran noong Martes ng madaling araw sa Crossing ng Kalye 29 at Nable Street sa Pantal West.
Kaugnay nito, inihayag naman ni Dagupan City PNP Director P/Senior Supt. Christopher Abrahano na nasakote na ang gunman ni Navarro na si Rolando Lim Jr., 46, ng Pantal East sa nasabing lungsod.
Bagaman hindi muna agad ito inilutang ng pulisya dahil kailangan pang isalang sa masusing imbestigasyon habang pinakawalan naman ang tatlo pang nasakoteng person of interest.
Ayon kay Abrahano, si Lim ay sinasabing ‘drug personality’ sa nasabing lugar kung saan natukoy na ito ang bumaril sa biktima matapos na ituro ng mga testigo.