TUGUEGARAO CITY, Philippines — Pinabulagta ng dalawang pinaniniwalaang hired killer ang isang ama ng rape victim na kamag-anak umano ng isang bise alkalde habang nanonood ng teleserye sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Gangalan, San Mariano, Isabela kamakalawa ng gabi.? Kinilala ni Chief Insp. Bonifacio Gannaban, hepe ng San Mariano Police ang biktima na si Orlando Lungan, 53, na pinsan ni Vice Mayor Roberto Lagan ng katabing bayan ng Benito Soliven.?
Ayon sa anak ng biktima, dalawang lalaking naka camouflage uniform ang pumasok sa kanilang bahay at pinaulanan ng bala ang ama saka mabilis na tumakas matapos ang krimen.? Sinabi ni Gannaban sa PSN na tinitingnan nila sa imbestigasyon ang posibleng pagsampa ng biktima ng kaso sa isang kababayan na sinasabing gumahasa sa anak nitong menor-de-edad noong nakaraang taon bilang motibo ng insidente.? Hindi muna kinilala ni Gannaban ang suspek na ayon sa kanya ay nagkaroon ng pagkakataong piyansahan ang kanyang kaso.