Manugang, karelasyon ng tatay… Biyenan kinatay ng manugang

MANILA, Philippines - Pinagtataga hanggang sa mapatay  ang 55-anyos na matandang  lalaki ng sarili nitong manugang sa gitna ng mainitang pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Barangay Seroan, bayan ng Katipunan, Zamboanga del Norte. Kinilala ang biktima na si Leonardo Vallacer habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Nilo Hinotan, 38,  kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating kay P/Insp. Dahlan Samuddin, nagkainitan ang magbiyanan sa kanilang bahay bandang alas-7 ng gabi. Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay bigla na lamang pinagtataga ng suspek ang kaniyang biyenan hanggang sa tuluyan napatay. 

Show comments