6 tiklo sa P1.5-M shabu

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   – Arestado ang 6-katao makaraang makumpiskahan ng P1.5 milyong halaga ng shabu sa isinagawang operasyon sa sinasabing drug den sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte kamakalawa. ?Pormal na kinasuhan ni P/Chief Insp. Dominic Guerrero, hepe ng San Nicolas PNP ang mga suspek na sina Monmel Corpuz, Sonny Ray Marcos, Patrick Dela Cruz, Charmie Joyce Dela Cruz, Darwin Vidal, 40; at si Eloisa “Maloy” Segundo, 52. Ayon kay Guerrero, sinalakay ang bahay ni Segundo matapos mag-isyu ng search warrant si Laoag City Regional Trial Court Judge Philip Salvador. May ilang araw na minamanmanan ang bahay na inuupahan nina Vidal at Segundo na sinasabing sentro ng bagsakan at transaksiyon ng droga sa Ilocos Norte. Nasamsam sa drug den ang 21-plastic sachets, mga bala ng baril, mga drug paraphernalia, at P10,000 cash.?

 

Show comments