Jailguard pinabulagta

LUCENA CITY, Quezon, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang guwardiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos itong  pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa North Employees Subdivision, Barangay Gulang-gulang, Lucena City, Quezon kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo ng bala ng cal. 45 pistol ang biktimang si JO2 Eddie Esmeralda habang nakatakas naman ang gunmen lulan ng Toyota Vios na may plakang VFE-157. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpapahangin ang biktima sa harapan ng kanyang bahay nang lapitan at ratratin ng dalawang hindi kilalang lalaki.

Show comments