Magsasaka inutas sa baraha

Mlang, North Cotabato, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang magsasaka ng nakalaban nitong magsasaka dahil sa pinagtalunang away sa baraha  sa Purok Mabinuligan, Brgy. Bagontapay ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Cotabato Police Provincial Office Spokesperson Sr. Inspector Jojet Nicolas ang biktima na si Giovanni Gonzales,tinatayang nasa 20-25 anyos, binata at residente ng nasabing lugar.

Bandang alas-2:30 ng hapon, ayon sa pulisya ng maganap ang krimen.

Bago ito ay kasama pa ng biktima ang suspek na si Rodrigo Matining, 40-anyos na nagtungo sa lamay ng isa nilang namatay na kapitbahay.

Ayon sa mga testigo, nag­laro ang dalawa ng baraha hanggang sa nagtalo na humantong sa malagim na pamamaslang. Nang makitang bulagta na si Gonzales mabilis naman tumakas ang suspek.

 

Show comments