^

Probinsiya

Warden, 30 pa sinibak dahil sa droga

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Sinibak sa puwesto ang jail warden at 30 tauhan ng Tuguegarao City District Jail matapos makasamsam ng mga bawal na droga sa sorpresang bisita ng regional director sa kanilang teritoryo kamakalawa. ?

Inilagay sa regional office ng Bureau of Jail Management and  Penology (BJMP) at isinailalim sa imbestigas­yon si P/Chief Insp. Mark Rian Dirain at 30 jail guards.? Sa pahayag ni BJMP Regional Director Amelia Ab­bariao-Rayandayan, sinopresa nila ang district jail kaugnay sa programang Operation Greyhound na sinimulan noong Hulyo kung saan nakasamsam ng kabuuang P8, 000 halaga ng shabu. 

Nagpatunay lamang sa operasyon ang mga natanggap nilang ulat mula sa Philippine Drug Enforcement Agency na may nagaganap na transaksiyon ng droga sa nasabing kulungan.

Pinalitan ni P/Chief Insp. Nanding Bayle ang sinibak na si Dirain.

vuukle comment

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT

CHIEF INSP

DIRAIN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

HULYO

MARK RIAN DIRAIN

NANDING BAYLE

OPERATION GREYHOUND

REGIONAL DIRECTOR AMELIA AB

TUGUEGARAO CITY DISTRICT JAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with