Bike vs jeepney: Guro patay

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines   - Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang 50-anyos na guro ng pampublikong eskuwelahan matapos salpukin ng pampasaherong jeepney ang kanyang motorsiklo sa highway sa Purok 1, Barangay Sta. Rosa Sur sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte, kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Panganiban Primary Cooperative Hospital ang biktimang si Joel dela Paz ng Block 16 Lot 18 Greenbelt Subd., Barangay Alawihao sa bayan ng Daet, Camarines Norte. Arestado naman ang driver ng jeepney na si Raymundo Revistual, 50, ng Purok 1, Luklukan Norte sa nasabing bayan. Ayon sa pulisya, pauwi na ang biktmang nagmomotorsiklo nang mahagip ng jeepney (EVT-313) ni Revistual pagsapit sa nasabing lugar.

 

Show comments