^

Probinsiya

7 pinaglamayan matapos makipaglamay

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pito-katao ang sinalubong ni kamatayan habang 20 iba pa ang malubhang nasugatan makaraang bumangga ang kanilang truck sa mga puno ng niyog sa tabi ng highway sa Barangay Poblacion, bayan ng Linamon, Lanao del Norte kamakalawa.

Kabilang sa mga na­matay ay sina Rasmiyah Didaa­gun, 25; Jehan Didaagun,12; Noraima Pundag, Mabul Obinay, 35; Amarodin Linang, Abdul Rashid Hasan, at Maoday Sanairay na pawang nakatira sa Barangay Pendulonan, bayan ng Munail.

Sugatang isinugod sa pagamutan sina  Kedinganlina Ampuan, Ali Khan Pantao Didaagun, Sultan Dimasangla, Janodin Abdulwahab Pintor, Mohamad Amola Acmad, Ninaya Cauyag Mangcol, Abdul Asis  Cauyag Sulan, Norhanifa Pantao Di­daagun at iba pa.

Sa ulat ni P/Senior Insp. Domingo Murillo II, hepe ng Linamon PNP, naganap ang trahedya sa kahabaan ng highway sa Purok 7 dakong alas-3:25 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon, papauwing magkakasama ang mga biktima sa truck na minamaneho ni Abdul Azis Baro mula sa pakikipaglamay sa namatay na kaibigan sa bayan ng Wato, Lanao del Sur nang maganap ang trahedya.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon ng pulisya na nawalan ng preno ang truck kaya inararo ang mga puno ng niyog sa tabi ng highway.

Sa lakas ng pagkaka­bangga ay dead-on-the-spot ang apat na biktima habang namatay naman sa pagamutan sa Iligan City ang tatlo.

 

vuukle comment

ABDUL ASIS

ABDUL AZIS BARO

ABDUL RASHID HASAN

ALI KHAN PANTAO DIDAAGUN

AMARODIN LINANG

BARANGAY PENDULONAN

BARANGAY POBLACION

CAUYAG SULAN

DOMINGO MURILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with