TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Nakikipaglaban kay kamatayan ang 19-anyos na anak makaraang pagtatagain ng kanyang amang senglot sa Sitio Fernandez, Barangay Sandiat East, bayan ng San Manuel, Isabela kamakalawa.? Naisugod sa Roxas District Hospital ang biktimang si Rommel Manuel habang nasakote naman ang suspek na si Romeo Manuel, 43, kapwa nakatira sa nasabing barangay. ? Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Fernando Abuga, hepe ng San Manuel PNP, lumilitaw na inawat ng biktima ang kanyang ama sa pakikipag-inuman. Gayon pa man, nagalit ang suspek at kinompronta ang kanyang anak hanggang sa mauwi sa pananaga.