Pulis pinabulagta ng vendor

CAVITE, Philippines — Bumulagta ang 34-anyos na pulis makaraang pagbabarilin ng tindero ng karne sa likurang bahagi ng palengke sa Tagaytay City, Cavite, kamakalawa ng gabi. Kinilala­ ng pulisya ang napaslang na si PO3 Sadiry Curameng, nakatalaga sa Tagaytay City PNP at nakatira sa Barangay Luzviminda 1, Dasmariñas City, Cavite. Samantala, pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na si Mark Henry Monzon, 23, meat vendor at nakatira sa Marasigan Street, Barangay Crossing East sa nasabing lungsod. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Joseito Esquivel­ Jr., na­ganap ang pamamaril sa likuran ng palengke sa Marasigan Street sa Barangay Crossing Mendez East. Wala namang malinaw na motibo ang lumulutang sa naganap na krimen.

Show comments