Farmer dinedo sa harap ng pamilya

QUEZON, Philippines - Napatay ang  32-anyos na magsasaka matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa kanilang kubo kasama ang asawa at apat na anak sa Sitio Makalansing, Barangay Vegaflor sa bayan ng Lopez, Quezon kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Arnel Villamater habang patuloy na nangangalap ng impormasyon ang pulisya upang makilala ang gunmen. Base sa imbestigasyon, nagpapahinga ang biktima sa kanilang kubo nang pasukin at ratratin. Hindi naman sinaktan ang asawa at mga anak ng biktima na natulala sa nasaksihang krimen habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments