^

Probinsiya

5-anyos nasagip, 2 kidnappers tiklo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nailigtas ng mga operatiba ng pulisya ang isang 5 anyos na batang babae kasunod naman ng pagkakadakip sa dalawang pinaghihinalaang miyembro ng kidnap for ransom gang sa operasyon sa Marawi City, Lanao del Sur kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, ang bata na itinago sa pangalang Princess ay nasagip ng mga awtoridad habang sakay ng motor cab sa Brgy. Matampay ng lungsod dakong alas-2 ng hapon.

Ang biktima ay dinukot ng mga armadong kidnapper sa tahanan ng pamilya nito sa Iligan City , Lanao del Norte noong Hulyo 16 ng taong ito.

Sa operasyon ay nasakote naman ang dalawang suspek na may dala sa bata  na kinilalang sina Jalal Roco, driver at Joven Saripanda.

Itinanggi naman ng mga suspek na sila ang dumukot sa bata at iginiit na napag-utusan lamang sila na ihatid ito sa terminal ng sasakyan kung saan naghihintay ang kaniyang ina. Patuloy ang pagtugis sa iba pang mga kidnapper.

 

BRGY

CAMP CRAME

HULYO

ILIGAN CITY

ITINANGGI

JALAL ROCO

JOVEN SARIPANDA

LANAO

MARAWI CITY

MATAMPAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with