NORTH COTABATO , Philippines - Maagang sinalubong ni kamatayan ang 39-anyos na barangay kagawad makaraang ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa Tacurong City, Sultan Kudarat kahapon ng tanghali. Kinilala ni P/Supt. Junie Buenacosa, hepe ng Tacurong City PNP ang biktima na si Kagawad John Catbagan Yog ng Barangay San Emmanuel sa nasabing lungsod. Naganap ang pananambang malapit sa tanggapan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Barangay New Carmen, Tacurong City kung saan may ilang metro ang layo sa PNP checkpoint. Nabatid na patungong bayan ng Tantangan sa South Cotabato ang biktima nang ratratin ng tandem.