Wanted na chairman dedo sa pulis
NORTH COTABATO, Philippines - - Napatay ang isang barangay chairman na sinasabing wanted sa kasong multiple murder makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Barangay Olandang, bayan ng Midsayap, North Cotabato kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Supt Reinante Delos Santos, hepe ng Midsayap PNP ang napaslang na si Chairman Ibrahim Simpal ng Barangay Olandang at tumatayong opisyal ng Moro Islamic Liberation Front National Guard Division. Nabatid na nanlaban si Simpal sa raiding team ng pulisya kaya sumiklab ang barilan makaraang salakayin ng PNP ang pinagkukutaan nito. Narekober sa bahay ni Chairman Simpal ang matataas na kalibre ng armas at bala.
- Latest