TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Dalawang magsasaka ang binulaga ni kamatayan habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang tamaan ng kildat sa gitna ng palayan sa Barangay Naglicuan, bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte kamakalawa.? Kinilala ni Dr. Rolando Dumlao na Municipal Health Officer ng Pasuquin ang mga namatay na sina Joven Ratuita, 44; at Arnel Galiza, 30, habang naisugod sa Mariano Marcos Memorial Hospital sa Batac City ang dalawang sugatang sina Eddie Villanueva at Nick Cornelio na pawang nakatira sa nasabing barangay.? Ayon sa isa sa mga magsasaka na si Leonardo Balon, pauwi na sana ang kanilang grupo ng biglang bumuhos ang malakas na ulan sa gitna ng bukid kung saan tinamaan ng kidlat ang apat niyang kasamahan.? Simula noong Mayo 2014, anim na katao ang namatay sa tama ng kidlat sa magkahiwalay na insidente sa Ilocos Sur at La Union.