Loay, actual site ng Sandugo - NHI
MANILA, Philippines - Idineklara ng National Historical Institute na ang actual site ng blood compact (Sandugo) nina Spanish fleet General Miguel Lopez de Legazpi at Datu Sikatuna noong Marso 25, 1565 ay sa bayan ng Loay.
Sa inaprubahang Resolution 04 series of 2005 ng NHI, naresolba na ang ilang taong kontrobersyal kaugnay sa tunay na lugar na pinangyarihan ng blodd compact nina Legazpi at Sikatuna.
Ang NHI na siyang kinauukulang ahensya ng pamahalaan na pinayagan sa ilalim ng batas (Presidential Decree No. 260) na mamahala sa historical, scientific at archaeological sites sa bansa ay pinagtibay ang actual Sandugo site ay ang bayan ng Loay.
Base sa tala ng NHI, si Legazpi ay nakipag-blood compact kay Datu Sikatuna, chieftain ng Bohol Island, para maging malapit na magkaibigan ang Spaniards at Filipinos kung saan naging kontrobersyal sa mahabang panahon.
Nakasaad sa NHI resolution matapos ang masusing imbestigasyon at interviews sa mga diver, fisher folks at mga residente sa Tagbilaran City at sa bayan ng Loay kabilang na ang mga dokumento na iprinisinta ng magkabilang panig, lumalabas na ang blood compact sa pagitan nina Sikatuna at Legaspi ng flagship San Pedro ay dumaong sa Hinawanan Bay sa bayan ng Loay noong March 25, 1565.
Nakasaad din sa nasabing resolution na ang lugar na sinuri at panayam sa mga residente ng Tagbilaran at Loay na ginanap noong Pebrero 9 hanggang 11, 2005, sa pakikipagtulungan ng mga experts mula sa National Mapping and Resources Information Authority at ng National Institute of Geological Sciences of the University of the Philippines ay pinatotohanan.
Kabilang sa mga signatories ng resolution ay si NHI Chairman Ambeth R. Ocampo at mga board directors na sina Jose Cruz, Benito Legarda Jr., Corazon Alvina, Heidi Gloria, Serafin Quiason, Prudenciana Cruz at si Ladovico Badoy.
Kabilang naman sa panel na masusing pinag-aralan ang mga dokumentong iprinisinta ng magkabilang panig ay si Judge Nestor Ballasillo ng Office of the Solicitor General, at mga miyembro nitong sina Atty. Edgardo Sison ng OSG, Fred dela Rosa, editor ng Manila Times, at si Dr. Ricardo Jose, historian at adviser sa UP.
“It is about time to correct the history for the benefit of the next generations and rectify the wrong notion of the blood compact site, especially to tourists who were made to believe all along that it took place in Bool of Tagbilaran,” pahayag ng mga residente sa baya ng Loay na may 18 kilometro ang layo mula sa Tagbilaran City.
Sa mahabang panahon nakalipas, kinagisnan ng mga turista na ang blood compact (Sandugo) ay naganap sa Barangay Bool sa Tagbilaran City. (Freeman News Service)
- Latest