Mag-utol patay sa rockslide

File Photo

SAMAR , Philippines – Patay ang mag-utol na babae habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang gumuho ang tone-toneladang tipak na bato sa Purok 8, Barangay Cagnipa sa bayan ng Calbayog, Samar noong Sabado ng hapon, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Kinilala ang mga namatay na sina Marivic Monteves at Danica Monteves habang suga­tan naman sina Danilyn Monteves at Diana Monteves. Samantala, sinundan naman ng landslide sa Barangay Bugtong sa nasabing bayan kung saan wala namang nasugatan o namatay, ayon sa ulat ng NDRRMC. Gayon pa man, pansamantalang hindi passable sa mga sasakyan ang bahagi ng Maharlika Highway mula Calbayog patungong bayan ng Allan dahil sa nasabing insidente. ( ABS-CBN News Service)

Show comments