Opisyal ng NPA, sumuko

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines– Isang  mataas na opisyal ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nagbalik-loob sa pamahalaan sa lalawigan ng Ifugao kamakalawa. Kinilala ng militar na nakabase sa bayan ng Gamu, Isabela ang nagbalik-loob na rebelde na si Jerome “Ka Ricky” Lindao, 22, ng Barangay Pieza, bayan ng Lamut, Ifugao at nagsilbi bilang logistic officer ng NPA rebs. Bukod sa pagiging logistic officer ay nagsilbi rin na acupuncturist si Lindao sa Team 2, Squad dos ng Samahang Partido Propaganda (SPP) ng NPA. Si Lindao ay dinala sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet matapos ang kanyang pagsuko sa Ifugao Police Provincial Office  para sa tiyak na kaligtasan ng nasabing rebelde. Sinabi naman ng militar na makatatanggap si Lindao ng finacial at livelihood assistance bilang bahagi ng programa na inilaan ng gobyerno para sa mga rebel returnees.

Show comments