SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines – Nagpasalubong kay kamatayan ang isang mister na sinasabing hiniwalayan ng kanyang misis matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Lioes, bayan ng Curimao, Ilocos Norte, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ni PO3 Leonardo Batulayan ang biktima na si John Melan Peralta na sinasabing naligalig simula nang umuwi ang kanyang misis muna sa ibang bansa para lamang makipaghiwalay sa kanya. Nagkainitan ang mag-asawa kung saan sinabihan ng misis ang biktima na makikipaghiwalay na ito. Pinaniniwalaang naging desperado ang biktima na hindi matanggap ang tinuran ng kanyang misis kaya nagpasyang magpasalubong kay kamatayan.