BULACAN , Philippines – Aabot sa 17-sinaunang bomba ang narekober ng pulisya habang naghuhukay sa kailugan ng Barangay San Agustin sa bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng hapon.
Kasalukuyan pang bineberipika kung paano napunta sa kailugan ang 17-60mm M49A2 type mortar kung saan kaagad na nakipag-unayan ang pulisya sa pamunuan ng Philippine Army para sa kaukulang disposisyon.
Sa ulat ni P/Supt. Fitz Macariola, dakong alas-10:30 ng umaga habang naghuhukay ang ilang opisyal ng Municipal Disaster Management Council sa nasabing lugar nang masapol ng kanilang backhoe ang 10-piraso ng mortar bombs.
Gayon pa man, habang iniimbestigahan nang insidente ay panibagong 7-piraso ng bomba ang muling nahukay.
Upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente ay kaagad na kinuha ng mga tauhan ni P/Insp. Sean Logronio ng SWAT-Provincial Public Safety Company ang narekober na bomba para ilagay sa ligtas na lugar habang patuloy ang imbestigasyon.