^

Probinsiya

17 sinaunang bomba narekober sa ilog

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   – Aabot sa 17-sinaunang bomba ang narekober ng pulisya habang naghuhukay sa kailugan ng Barangay San Agustin sa bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyan pang bineberipika kung paano napunta sa kailugan ang 17-60mm M49A2 type mortar kung saan kaagad na nakipag-unayan ang pulisya sa pamunuan ng Philippine Army para sa kaukulang disposisyon.

Sa ulat ni P/Supt. Fitz Macariola, dakong alas-10:30 ng umaga habang naghuhukay ang ilang opisyal ng Municipal Disaster Management Council sa nasabing lugar nang masapol ng kanilang backhoe ang 10-piraso ng mortar bombs.

Gayon pa man, habang iniimbestigahan nang insidente ay panibagong 7-piraso ng bomba ang muling nahukay.

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente ay kaagad na kinuha ng mga tauhan ni P/Insp. Sean Logronio ng SWAT-Provincial Public Safety Company ang narekober na bomba para ilagay sa ligtas na lugar habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

AABOT

BARANGAY SAN AGUSTIN

BULACAN

FITZ MACARIOLA

GAYON

MUNICIPAL DISASTER MANAGEMENT COUNCIL

PHILIPPINE ARMY

PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY

SAN MIGUEL

SEAN LOGRONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with