Sekyu pisak sa gumuhong NFA warehouse

Pinabagsak ng bagyong Glenda ang bodega ng National Food Authority (NFA) sa bayan ng Plaridel, Queozon kung saan namatay ang isang security guard na nagbabantay. Aabot naman sa 5,000  NFA rice ang nabasa ng ulan. Mga kuha ni Joven Cagande

QUEZON , Philippines  – Napisak at namatay ang 55-anyos na security guard makaraang mabagsakan ng gumuhong bodega ng Nationa Food Authority sa bayan ng Plaridel, Quezon kahapon ng madaling araw. Bandang alas-2 ng madaling araw nang mabagsakan ang biktimang si Danilo Peralta ng Barangay  Concepcion habang sugatan naman ang misis nito at ang tatlong anak. Nabatid na binabantayan ng biktima ang bodega ng NFA rice kung saan nakapuwesto ito sa guard house nang maganap ang insidente habang nanalasa ang bagyong Glenda. Samantala, aabot naman sa 5,000 NFA rice ang nabasa ng ulan kung saan pipiliin na lamang ang maa­ring mapakinabangan, ayon sa NFA supervisor na si Teofilo Maano.

 

Show comments