TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Nagpahayag ng kalungkutan ang mga magsasaka sa Isabela at Cagayan kaugnay sa nakaambang pagbulusok ng level ng tubig sa Magat Dam reservoir na magdudulot ng limitadong serbisyo sa patubig sa natutuyong sakahan dahil sa pag-iwas ng bagyong Glenda na magpapataas sana ng level ng tubig.? Sa ulat ng Magat Dam forecasting and Warning Division sa bayan ng Ramon, umabot na sa 160.46 ang level ng tubig kahapon kumpara sa 160.60 level noong Martes.? Ayon kay Engr. Saturnino Tenedor, Magat instrumentation and forecasting officer, nasa 160 metro ang kritikal level ng sukat ng tubig kung saan mapipilitan silang isara ang serbisyo ng irigasyon kapag bumaba pa ito sa 150 metro.? Dahil sa patuloy na tagtuyot, naantala ang umpisa ng pagtatanim ng mga magsasaka sa Isabela at Cagayan na dapat sana ay nag-umpisa pa noong katapusan ng Mayo.?