TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines - Pinabulagta ang 39-anyos ng sarhento ng Phil. Army na sinasabing nakipag-inuman sa GRO makaraang pagbabarilin ng selosong customer sa loob ng videoke bar sa Barangay Bulanao,Tabuk City, Kalinga kahapon ng madaling araw.? Kinilala ni P/Supt. Francisco Bulwayan Jr. hepe ng Tabuk City PNP ang biktima na si S/Sgt. Jerry Magsano ng 503rd Brigade ng Phil. Army na nakabase sa Barangay Calanan.? Pinaghahanap naman ang suspek na si Dennis Tabbang ng Purok 5 sa nasabing barangay.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nainip sa kahihintay ang suspek na makapiling ang GRO na si Medy Panabang na naunang itineybol ng biktima. Gayon pa man, sumiklab ang panibugho ng suspek nang makitang masaya at nagkakaigihan na ang dalawa sa pakikipag-inuman kaya nilapitan at niratrat nito ang sarhento.?
Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.