^

Probinsiya

Mag-ina natusta sa kidlat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkasunod na sinalubong ni kamatayan ang isang mag-ina makaraang tamaan ng kidlat sa gitna ng malakas na pagkulog sa Sitio Amaralina, Barangay Pantalan sa bayan ng Nasugbu, Batangas kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga biktima na sina Mercedez Baral- Grumal, 45; at Anthony Grumal, 18, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat na nakarating kay  P/Supt. Marlowe Torina, hepe ng Nasugbu PNP, namatay agad sa insidente si Anthony na halos masunog ang katawan habang naisugod naman sa Jabez Medical Center subalit idineklarang patay si Mercedez. Lumilitaw na papauwing naglalakad ang mag-ina sa kasagsagan ng malakas na pagkulog na sinundan ng malakas na kidlat na sa kamalasan ay tumama sa mga biktima.

ANTHONY GRUMAL

BARANGAY PANTALAN

BATANGAS

GRUMAL

JABEZ MEDICAL CENTER

KINILALA

LUMILITAW

MARLOWE TORINA

MERCEDEZ BARAL

NASUGBU

SITIO AMARALINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with