Lolong may kanser, nagbigti

CAVITE, Philippines – Natuloy din ang pagsalubong ni kamatayan sa 73-anyos na lolong may kanser na sinasabing may ilang ulit na nagtangkang mag-suicide matapos itong magbigti sa likuran ng kanilang bahay sa Barangay Molino 4, Bacoor City, Cavite kahapon ng umaga. Bandang alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ang biktimang si Aquilino Latac ng Phase 1, Phomelo Extension, Citihomes  Subd., Barangay Molino 4. ?Ayon pa sa pamilya, ilang ulit na  nagtangkang magpakamatay ang matanda simula nang malaman na may stage 4 cancer siya subalit napipigilan lamang. Dahil sa likuran ng bahay nagpakamatay ang biktima ay hindi agad nakita ng kanyang mga kaanak.

 

Show comments