^

Probinsiya

Guro sinibak sa trabaho, nagbigti

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 31-anyos na Kano na sinasabing sinibak sa trabaho bilang guro matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Niog 2, Bacoor City, Cavite kamakalawa.  Patay na nang datnan ng asawang Pinay na si Arlene ang kanyang mister na si Dustin Jacob Suchin, English teacher sa Hankuk University of Foreign Studies sa Pasig City at nakatira sa nabanggit na barangay. Napag-alamang bago maganap ang insidente ay sunud-sunod na nakatanggap ng text messages si Arlene mula sa kanyang mister. Bandang alas-2 ng hapon nang umuwi si Arlene mula sa pinapasukang call center kung saan bumungad sa kanya ang nakabiting biktima. Nabatid na naging desperado ang biktima matapos itong masibak sa trabaho at iniinda pa nito ang kinakaharap na kasong kriminal. Wala namang nakitang foul play ang pulisya sa naganap na insidente.

ARLENE

BACOOR CITY

BANDANG

BARANGAY NIOG

CAVITE

DUSTIN JACOB SUCHIN

HANKUK UNIVERSITY OF FOREIGN STUDIES

KANO

KUSANG

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with