Pawnshop nilooban

CAVITE, Philippines – Umaabot sa milyong halaga ng ari-arian ang nalimas makaraang pasukin ng mga di-kilalang lalaki  ang pawnshop sa Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa. Bandang alas-8:30 ng umaga nang madiskubre ng kawani ng Umerez Pawnshop na si Lida Cuevas ang nakawan kung saan nagkalat ang mga gamit at wasak ang safety vault. Sa imbestigasyon ng pulisya, dumaan sa water drainage na nasa likurang bahagi ng pawnshop ang mga kawatan saka binutas ang sahig. Wala namang closed-circuit television (CCTV) camera ang nasabing pawnshop kung saan pinaniniwalaang mga minero ang grupo ng kawatan dahil sa kakaibang estilo ng pagnanakaw. Kabilang sa tinangay ng mga kawatan ay P.2 milyong cash, P200,000.00, US$4,400, mga alahas na nagkakahalaga ng P.7 milyon at isang cal. 38 revolver.?

Show comments