Anak ng Tsinoy trader, itinumba

MANILA, Philippines - Bulagta ang 23-anyos na anak ng negosyanteng Tsinoy habang sugatan naman ang driver ng habal-habal matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng Don Mc Enriquez Drive sa Zamboanga City kamakalawa. Kinilala ang napatay na si Marvin Luy Yee ng Alfaro Street, Tetuan District sa nabanggit na lungsod habang naisugod naman sa Zamboanga Medical Center ang nasugatang driver na si Gerald Usain, 26, ng nasabing lugar. Ayon sa ulat, bumabagtas ang habal-habal na sinasakyan ng biktima sa nasabing highway nang sundan at pagbabarilin ng tandem pagsapit sa nasabing lugar bandang alas-3:15 ng madaling araw.

 

Show comments