MANILA, Philippines - Matapos iwanan ng kanyang misis, isang 29-anyos na mister ang nagpakamatay sa Zamboanga del Sur.
Ang biktima ay nakilalang si Joel Gutierrez, magsasaka ng Barangay Kabuhi, Mahayag, Zamboanga del Sur.
Sinasabing ang bangkay ng biktima ay natagpuan ganap na alas-9 ng umaga sa loob ng kanyang bahay.
Sinasabing Hunyo 26 , tuluyang iiniwan ng kanyang misis na nakilalang si Michelle ang nasawi matapos ang pag-aaway dahil sa bisyo at pagiging seloso ng lalaki.
Nagbanta pa umano ang mister na kapag umalis si Michelle sa bahay ay magpapakamatay siya na binalewala naman ng misis at tinotoo naman ng biktima.