2 timbog sa shabu at boga

BULACAN — Tinatayang aabot sa P50,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa isang ‘tulak’ habang nasamsam naman sa kasabwat nito ang isang baril sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Bañga, Meycauayan City, Bulacan. Kuha ni Boy Cruz

BULACAN, Philippines — Dalawang pinaniniwalaang ‘tulak’ ng illegal na droga ang inaresto sa isinagawang buy-bust ope­ration sa bahagi ng Brgy. Bañga, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga kung saan nakarekober ng P50,000 halaga ng shabu at baril.

Patung-patong na kaso ang kinakaharap ng mga suspek na kinilalang sina Mark Joseph Cavinta, 26 at Robert Carmelo, 40, kapwa residente ng Elcon St.,Brgy. Bañga sa naturang siyudad .

Sa ulat ni P/Supt. David Poklay kay Provincial Director P/SSupt. Ferdinand Divina dakong alas-7:00 ng umaga ay nagsagawa ng drug bust operation ang mga elemento ng lokal ng drug enforcement unit laban kay Cavinta na nagresulta sa pagkakasamsam ng 27 sachet ng shabu na may halagang P50,000 piso kabilang ang mga drug paraphernalias.

Habang isinasagawa ang naturang operasyon ay nakatunog naman ang kasabwat na si Carmelo saka kaagad na tumakas lulan ng isang motorsiklong Yamaha Fino (9503-CS) ngunit nasita ito ni Senior Inspector Joy Placido sa nakalatag na police checkpoint dahil sa kawalan ng crash helmet at kaukulang dokumento ng sasakyan kung saan narekober din sa katawan nito ang isang .38 paltik na rev. at mga bala. 

 

Show comments