Negosyante dinedo sa tiangge

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - – Pinabulagta ang 44-anyos na negosyante matapos mapagtripang pagtatagain ng di-kilalang lalaki sa tianggehan sa Barangay Gadgaron, bayan ng Matnog, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Ben Padate ng Barangay Caloocan habang  tumakas naman ang killer na walang nakakilala dahil sinamantala nito ang nagkakagulong mamimili. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na abala ang biktima sa pag-aayos ng kanyang paninda dahil sa nalalapit na kapistahan nang lapitan at pagtatagain. Wala namang lumutang na testigo para makilala ang killer dahil na rin sa bilis ng pangyayari.

Show comments