MANILA, Philippines — Makararanas ng malakas na buhos ng ulan ang Visayas at tatlong rehiyon dahil sa pag-iral ng low pressure area malapit sa Eastern Samar, ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang sama ng panahaon sa 390 kilometro silangan ng Borongan, Eastern Samar
Magiging maulap ang papawirin ng Mimaropa, Calabarzon at nalalabing bahagi ng Mindanao na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may kulog at kidlat.
Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon na may pulu-pulong pag-ulan.