MANILA, Philippines – Mula nang maganap ang Zamboanga City siege nitong nakaraang taon, pumalo na sa 138 na katao ang nasawi sa magkakaibang evacuation centers, ayon sa isang opisyal ng gobyerno.
Sinabi ni City Health officer Dr. Rodelyn Agbulos na dalawang bata mula sa Joaquin F. Enriquez Memorial Sports Complex ang dumagdag sa listahan ng mga nasawi.
Higit 120,000 katao ang inilikas nang magsimula ang bakbakan noong Setyembre 9 sa pagitan ng mga militar at miyembro ng Moro National Liberation Front ni Nur Misuari.
Kaugnay na balita: Zambo nakaalerto sa kidnapping spree ng Abu Sayyaf
“The decongestion of the evacuation camps and transfer to the transition sites...have resulted in the [lower number of deaths] compared to previous months,†wika ni Agbulos.
Karamihan sa mga nasawi, ayon kay Agbulos, ay hindi kaagad naipaalam sa gobyerno dahil na rin sa paniniwala ng mga Badjao na kailangang mailibing ang katawan sa loob lamang ng 24 oras.
Samantala, kumakalat naman ngayon ang pneumonia at gastroenteritis sa mga evacuation centers kaya naman nagbuo ang International Committee of the Red Cross (ICRC)-Philippine Red Cross (PRC) ng grupo na tutugon sa pangangailangan ng mga biktima ng Zamboanga siege.
Sinabi pa ni Agbulos na magkakaroon ng weekly rotation ang mga kawani ng Department of Health.