Ama dinedo sa harap ng 2 anak

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 41-anyos na ama makaraang pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa harap mismo ng kanyang dalawang anak na bata sa Barangay Banahao, bayan ng Lianga, Surigao del Sur kamakalawa ng umaga. Sa ulat ni P/Supt. Romaldo Bayting na isinumite sa Camp Crame, kararating lamang sa bisinidad ng Market Square ang biktimang si Crispin Bacangoy nang pagbaba sa motorsiklo ay biglang lapitan at ratratin ng gunman. Natulala at nanginginig sa takot ang dalawang anak matapos masaksihan ang ginawang pagpatay sa kanilang tatay. Tumakas ang gunman patungo sa bulubunduking bahagi ng nasabing barangay habang narekober naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives sa crime scene ang mga basyo ng cal. 45 pistol.

 

 

Show comments