Buntis na amasona, nadakip

MANILA, Philippines - Naaresto ng  tropa ng pamahalaan ang isang 3 buwang buntis na amasona sa isinagawang operasyon sa Brgy. Ilayang Iyam, Lucena City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Lt. Lloyd Cabacungan, Spokesman ng AFP Southern Luzon Command (AFP-SOLCOM) ang nasakoteng suspek na si Maria Maridel Torres alyas Ka Arriane Perez, political instructress ng Southern Tagalog Regional Party Committee.

Agad namang isinailalim sa medikasyon sa  Camp Nakar Station Hospital ang nasabing amasona, ayon sa opisyal.

“Her rights will be res­pected. She will be given with proper medical attention and will be treated well,”pahayag ni AFP Solcom Chief Lt. Gen. Caesar Ronnie Ordoyo.

Nabatid na nasakote ng Army’s 2nd Infantry Division at Quezon Provincial Police Office sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 65 sa Infanta, Quezon ang nasabing buntis na amasona.

 

Show comments