^

Probinsiya

Lola utas sa kidlat

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isa pang lola ang nasawi  kamakalawa na ikaapat na biktima ng kidlat sa loob lamang ng isang linggo sa panibagong insidente sa Brgy. Cabaroan, San Juan, La Union.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rosita Cortez na sinasabing nagtatabas ng damo gamit ang itak sa kanyang bakuran nang bumuhos ang malakas na ulan at tamaan ito ng kidlat. 
Idineklara ng dead on arrival sa Bacnotan District Hospital ang matanda.
Naunang nasawi sa tama ng kidlat noong Miyerkules sina Edmundo Laroya 23 ng Brgy. Ibaan Norte, Rosario, La Union at Bonifacio Fabro Jr. 23  ng Brgy. Lantag, Sta. Cruz, Ilocos Sur habang naglilinis sila sa kani-kanilang mga bukirin. 
Nasa kritikal namang kondisyon  ang utol ni Fabros na si Ramsey, 26 at pinsan na si Carlo Magno, 24 na nakaratay sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) sa San Fernando City, La Union. 
Nauna rin natusta si Eric Marquez na tinamaan rin ng kidlat sa Brgy.  Pantar Norte, Balaoan, La Union.

 

vuukle comment

BACNOTAN DISTRICT HOSPITAL

BONIFACIO FABRO JR.

BRGY

CARLO MAGNO

EDMUNDO LAROYA

ERIC MARQUEZ

IBAAN NORTE

ILOCOS SUR

ILOCOS TRAINING AND REGIONAL MEDICAL CENTER

LA UNION

PANTAR NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with