NUEVA ECIJA, Philippines - – Kalunus-lunos na kamataÂyan ang sinapit ng mag-asawang nahulog mula sa kanilang motorsiklo makaraang magulungan ng 10-wheeler closed van truck sa Maharlika Highway, Barangay Bacal 1 sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija, kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang mag-asawang namatay na sina Ludivico Natividad, 59, retired Philippine Army; at Judith Lignes-Natividad, 52, store owner at kapwa nakatira sa Barangay Agupalo West, bayan ng Lupao, Nueva Ecija.
Arestado naman ang drayber na si Rolando HuÂgan, 40, ng 25th Street sa Fortuneville, Valenzuela City.
Sa imbestigasyon ng pulisya sumemplang at nahulog mula sa motorsiklo ang mag-asawa matapos sumabit sa metal road barrier ng elementary school.
Gayon pa man, nagulungan ng closed van truck (RNE 177) na minamaneho ni Hugan ang mag-asawa.