CAVITE , Philippines — Kalaboso ang binagsakan ng magpinsan matapos arestuhin ng pulisya kaugnay sa pagdukot sa kanilang tiyahin sa Imus City, CaÂvite kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Jeanelyn Hernandez Gilbuena at Darlyn Gilbuena Paradero, kapwa pamangkin ng biktimang si Elcy Bautista, negosyante at nakatira sa La Bautista Compound sa Barangay Buhay na Tubig sa nasabing lungsod. Ayon kay PO3 Alan Reyes, nagawang kidnapin ng mga suspek ang kanilang tiyahin sa ikalawang pagkakataon kung saan huÂmingi ng P.1 milyon bilang ransom. Nabatid na nagdrama ang mga suspek na dinukot ng mga armadong lalaki ang kanilang tiyahin subalit sa follow-up operation ng pulisya ay nabuko ang modus opeÂrandi ng magpinsan. Gayon pa man, nabawi ang P.1 milyong ransom na ibinigay ng pamilya ng biktima.